Hanapin ang susunod mong career sa Dragon Tax at maging bahagi ng isang team na pinahahalagahan ang galing at patuloy na pag-unlad.
Tungkol sa Amin
Ang Dragon Tax & Management, Inc. ay isang tax advisory firm na nakabase sa Estados Unidos na nagbibigay ng tax planning, tax compliance, at tax filing services para sa mga indibidwal at negosyo. Sa tulong ng aming remote team sa Manila, naghahatid kami ng mabilis, maaasahan, at de-kalidad na serbisyo upang matulungan ang aming mga kliyente sa kanilang mga tax concerns.
Bakit Pinagkakatiwalaan ang Dragon Tax
HIGIT PA KAMI SA ISANG TAX FIRM.
Sa Dragon Tax, hindi lang kami tungkol sa taxes. Partner kami ng mga negosyo, professionals, at iba't ibang organizations para matulungan silang ma-manage ang kanilang tax, payroll, at bookkeeping needs. Gusto naming gawing mas simple ang mga komplikadong proseso para makapag-focus sila sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Kapag sumali ka sa Dragon Tax, magiging bahagi ka ng isang team na nagtutulungan, patuloy na natututo, at laging nagbibigay ng best para sa aming mga clients. Makakatrabaho mo ang mga experienced professionals, matututo ka ng mga bagong skills, at magkakaroon ka ng pagkakataong lumago sa iyong career. Dito, mahalaga ang bawat miyembro ng team at ang ambag mo ay talagang may epekto.